Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice ang pagtatalaga ng Pangulong Duterte ng mga bagong opisyal ng DOJ.
Ito ay matapos na tanggapin ng pangulo ang courtesy resignations ng tatlong Undersecretaries at isang assistant secretary na nagsilbi sa panunungkulan ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.
Kabilang sa mga bagong DOJ Undersecretaries sina Atty. Emmeline Aglipay-Villar, Adrian Sugay, Markk Perete habang assistant secretary si Atty. Neal Vincent Bainto.
Pinalitan ng mga ito sina Usec. Raymund Micate, Erickson Balmes, Reynante Orceo at dating Assistant Sec. Juvy Manwong.
Si Usec. Villar ay dating Partylist Representative mula sa labor Sector at maybahay ni Public Works Sec. Mark Villar.
Dating namang Corporate Head ng Philippine Ports Authority si Usec. Sugay
Nagsilbi naman bilang Assistant Secretary mula sa Office of the President si Atty. Perete.
Habang si Atty. Bainto ay dating Senior Associate sa Villaraza and Angangco Law Offices
Sila ay pawang inirekomenda sa Pangulong Duterte ni Sec. Guevarra.