TINULIGSA | Grupo ng mga manggagawa na-bore sa SONA ni P-Duterte

Manila, Philippines – Nakatikim ng pagtuglisa mula sa grupo ng mga manggagawa ang katatapos pa lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Partido Manggagawa Rene Magtubo sa kabila ng pagkuha kay romcom Queen Director Joyce Bernal ay naging boring pa rin ang SONA ng Pangulo

Ito ay dahil walang bago sa SONA ni Pangulong Duterte.


Sinabi ng grupo bigo parin ang Duterte Administrator na tuluyang wakasan ang endo dahil hindi nito isinabatas ang Security of Tenure.

Tikom din anila ang bibig ng Pangulo sa hiling ng mga manggagawa na taasan ang sweldo ng mga ito.

Pinalala lang din ng Pangulo ang suliranin at pasanin ng ordinaryong mamamayan dahil sa TRAIN Law na mitsa ng kaliwat kanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin lalo na ng produktong petrolyo.

Hindi rin natutuwa ang grupo sa kampanya ng administrasyon kontra illegal na droga dahil tila ang mga mahihirap lamang ang napapatay at hindi nasasampolan ang mga tinaguriang big fish.

Facebook Comments