Manila, Philippines – Tinawag na mapang-ahas na hakbang ng Human Rights Watch group ang ginawang pang-aaresto ng Kuwaiti authorities sa dalawang staff members ng Philippine Embassy sa Kuwait.
Ito ay may kinalaman sa pag-rescue kamakailan sa mga domestic workers na biktima ng pangaabuso ng kanilang employer sa nasabing bansa.
Sa statement na ipinadala sa Human Rights Watch ni Rothna Begum ng Middle East women’s rights group, sinabi nito na hindi dapat parusahan ng Kuwaiti authorities ang dalawang Pinoy na tumutulong lamang sa mga domestic workers na nasa panganib.
Sa halip, dapat makipagtulungan sila sa embahada ng Pilipinas para imbestigahan at tulungan ang mga distressed workers.
Nauna nang nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang pang-aabuso sa kanilang diplomatic privilege ang mga embassy officials sa Kuwait dahil ginawa nila ang rescue operations sa mga distressed Filipino workers sa tulong na rin ng Kuwaiti officials.