Manila, Philippines – Tinuligsa ni Senator Antonio Trillanes IV ang ginawang “power nap” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa ilang aktibidad sa 33rd ASEAN Summit sa Singapore .
Ayon kay Trillanes, ang naturang aksyon ng presidente ay nangahulugan lamang ng dalawang bagay.
Una aniya rito, ang pagkakaroon ng Pangulo ng seryosong karamdaman at hindi na magampanan ang kaniyang tungkuling bilang pinakamataas na lider ng bansa.
Posible rin naman aniyang tamad at iresponsable ang Pangulo.
Sabi naman Senator Panfilo Lacson, mababaw na dahilan ang power nap para hindi siputin ng Pangulo ang mga aktibidad sa ASEAN Summit.
Aniya, maaaring may ibang dahilan at sinadya talaga ito ng Pangulo.
Facebook Comments