Cagayan De Oro – Nasawi ang limang katao, matapos na masunog kaninang madaling araw ang kanilang tinutuluyang bahay sa District 3, San Nicholas Barangay Puntod sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ayon sa ina ng mga biktima na si Mrs. Melody Cerillo, na kaninang madaling araw habang natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay, ay biglang sumiklab ang apoy.
Namatay sa nasabing insidente sina Mark Anthony Cerillo, 10 taong gulang, isang special child, Michelle Ann Cerillo, 13 taong gulang, Mary Grace Cerillo, 12 taong gulang, Mark Kenneth Cerillo, 22 taong gulang at girlfriend nito na si Connie Nandong, 24 na taong gulang na taga Claveria, Misamis Oriental.
Samantala, nagtamo ng 3rd degree burn sina Mary Joy Cerillo, 12 taong gulang, Tir Jun Cerillo, 23 taong gulang, ang ina na si Melody Cerillo, 46 na taong gulang at kapatid nito na si Lilibeth Carillo, 45 na taong gulang.
Ayon kay Mrs. Melody Cerillo, na ng nangyari ang insidente ay nagpapahinga ang biktima dahil kagagaling lang nito sa hospital dahil sa sakit na diarrhea, subalit bandang ala 1 kaninang madaling araw ng magising ang kaniyang mag anak dahil sa init ng apoy.
Unang lumabas sa bahay ang kaniyang anak na si Mark Anthony Cerillo, para ilabas ang kaniyang motor, subalit bumalik ito sa loob para sagipin ang kaniyang pamilya, subalit na-trap ito.
Nasa ikalawang palapag naman ang mga kapatid nito at ang ina ng tinalon nito ang ikalawang palapag, saka pinatalon ang dalawang mga anak nito at kapatid na si Lilibeth.
Dahil sa mabilis na pagsiklab ng apoy, hindi na nito magawang tulugan ang kaniyang apat na mga anak na nasusunog sa loob ng kanilang bahay.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang sinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), lalo na at ngayong buwan ay Fire Prevention Month.