TINUPOK | Bodega ng tela, nasunog sa Malabon City

Malabon City – Nasunog ang isang bodega na nagsisilbing imbakan ng tela at sinulid sa Malabon City.

Inabot ng mahigit limang oras bago tuluyang naapula ang apoy na sumiklab sa loob ng Everich Knitting Manufacturing Corp., sa Las Buenas Bldg., Industrial Ave., Potrero, Malabon.

Nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 kahapon na mabilis na itinaas sa task force alpha dahil sa nakaimbak na mga tela at sinulid sa bodega.


Dahil sa lakas ng apoy, nadamay rin ang katabing imprenta sa naturang compound.

Pasado alas-10:00 kagabi nang ideklarang fire out ang naturang sunog kung saan patuloy ang imbestigasyon ng malabon fire department para matukoy ang pinagmulan at maging ang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

Facebook Comments