TINUPOK | Ilang bahay, nasunog sa Brgy Old Balara, QC

Quezon City – Ilang mga bahay sa bahagi ng Luzon Avenue sa Barangay Old Balara sa Quezon City ang tinupok ng apoy.

Nagsimula ang sunog pasado alas 10:00 kagabi na umabot lang sa unang alarma.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa bahagi ng Samar 1 kanto ng Luzon Avenue.


Pasado alas 11:00 ng gabi nang maideklarang fire out ang sunog at walang naitalang sugatan o nasawi sa insidente.

Umabot naman sa P30,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok at patuloy na inaalam ang naging sanhi nito.

Facebook Comments