TINUPOK NG APOY | Establisyimento sa QC, nasunog

Quezon City – Tinupok ng apoy ang isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa Le Ching Tea House dakong alas-11:30 ng Sabado ng gabi.

Agad na itinaas sa unang alarma ang sunod at agad na rumesponde ang mga bumbero.


Mabilis ding naapula ang sunog ng wala pa sa isang oras.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments