Manila, Philippines – Nasunog ang isang 24 hour Korean restaurant sa Barangay Poblacion, Makati City.
ayon kay Sr/Insp. Tito Porgatoryo, Chief-of-Operations ng Bureau of Fire Protection (BFP) Makati – naabo ang mga gamit sa kusina, indikasyon na dito nagsimula ang sunog.
Aminado ang staff ng restaurant na saglit na iniwan ng cook ang niluluto at pagbalik ay nasusunog na ang kusina.
tinanggal agad ng mga staff ang mga malalaking tangke ng gas palabas ng restaurant.
wala namang nasaktan sa insidente.
Umabot sa unang alarma ang sunog.
Facebook Comments