TINUPOK | Sunog sumiklab sa Tibungco Public Market sa Davao City

Davao City – Nasunog ang walong gusali sa bahagi ng Tibungco Public Market sa Davao City.

Kabilang sa nasunog ang ilang tindahan, chapel at sasakyan.

Sa imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa kusina ng isang ukay-ukay.


Wala namang nasugatan sa insidente, na nag-iwan ng P800,000 pisong halaga ng pinsala.

Facebook Comments