TINUPOK | Sunog, sumiklab sa Valenzuela City

Valenzuela City – Umabot pa sa ikaapat na alarma bago tuluyang maapula ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sitio Cabatuan, Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog alas-10:32 ng gabi at umabot pa ng dalawang oras bago tuluyang naapula kaninang alas-12:22 ng madaling araw.

Ayon sa fire marshal ng Valenzuela BFP na si Supt. Rodrigo Reyes, pawang gawa sa light materials ang nasa 20 bahay ang naapektuhan sa sunog kung saan nakatira ang 30 pamilya ang nakatira.


Inaalam pa sa ngayon ang posibleng dahilan ng sunog na nagdulot din ng tatlong minor injuries.
<#m_-7915256219835768834_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments