Davao City – Nagmistulang estudyante ang ilang mga pulis at bumbero sa Davao City matapos silang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte para turuan ng Effective Emergency Response.
Sa isang ‘selfie photo’ ni Special Assistant to the President Secretary Christopher Go, makikita sa background ang pagsusulat ng Pangulo sa white board habang tahimik na nakikinig ang mga opisyal.
Kasama sa nasabing briefing ang mga miyembro ng AFP sa pangunguna ni Gen. Eduardo Ano, miyembro ng PNP DCPO sa pamumuno ni Police Sr. Supt. Alexander Tagum at miyembro ng BFP, at 911 response team sa Presidential Guest House sa Panacan, nitong lungsod.
Samantala, tinanggap rin ni Pangulong Duterte si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa sa Panacan.
Facebook Comments