TINUTUGIS | Pinalayang NDF consultants, pinaghahanap na

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 21 consultants ng National Democratic Front (NDF) na pinalaya ng gobyerno para dumalo sa peace talks.

Gayunman, aminado si AFP public Affairs Office Chief Edgard Arevalo na wala pa silang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga ito.

Aniya, may ginagawa na silang hakbang para tugisin ang mga NDF consultants pero naghihintay pa rin sila ng order mula sa mga korte kung pwede na nilang arestuhin ang mga ito.


Patuloy aniya ang kanilang monitoring sa mga nasabing consultants.

Una nang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga NDF consultants na sumuko na sa gobyerno ngayong tinapos na niya ang usapang pangkapayapaan.

Facebook Comments