Manila, Philippines – Puspusan na ang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa apat na militanteng lider na pinaaresto sa kasong double murder.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – nagtalaga ang mga tauhan ang PNP-CIDG at NBI para tugisin sina NAPC Sec. Liza Maza, dating Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, at mga dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Hinimok ni Albayalde ang mga ito na sumuko na lamang.
Binalaan din ng PNP ang mga nagkakanlong sa mga ito.
Facebook Comments