Aklan – Umapela si DENR Secretary Roy Cimatu sa mga nagpo-post sa social media na maging maingat.
Kasunod ito sa naging post ng netizens tungkol sa nangyayaring pagpapatag ng bundok malapit sa isang eco-village multi-purpose gym sa Boracay Island.
Nilinaw ni Cimatu na ang larawan ng pagpapatag ng bundok ay luma na. Nangyari na aniya ito bago pa sinimulan ang closure o pagpapasara sa pamosong isla.
Binigyan diin ng kalihim na hindi niya papayagan ang sinuman na maging balakid sa pagsisikap ng gobyerno na i-rehabilitate ang Boracay.
Aniya, seryoso ang ahensya na ipatupad ang mga batas pangkalikasan lalo na ang mga regulasyon na pinagtibay ng Boracay Inter-Agency Task Force kabilang na dito ang pagpapatigil o total stoppage ng alinmang constructions sa lugar.
Aniya, bagamat bukas sila sa feedback sa publiko, kinakailangan na beripikado ito para hindi makalikha ng pagkabahala.