Manila, Philippines – Tinutulan ng Department of Education (DepEd) ang plano ng NCRPO na inspeksyunin ang bag at locker ng mga estudyante sa mga paaralan bilang bahagi ng kampanya kontra droga.
Paliwanag kasi ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar, maraming sindikato ng droga ang gumagamit ng mga estudyante sa kanilang operasyon.
Pero depensa ni DepEd Secretary Leonor Briones, may iba namang paraan para malaman kung sangkot sa illegal drugs ang mga mag-aaral.
Tiniyak din ni Briones na napapangalagaan ng DepEd ang privacy ng mga mag-aaral at guro.
Facebook Comments