TINUTULAN | Grupo ng mga residente sa Marawi City, tinutulan ang planong magtayo ng bagong kampo ng militar sa lungsod

Marawi City – Nanawagan kahapon ang grupo ng mga Maranao na residente ng Marawi City kay Presidente Rodrigo Duterte, na dinggin ang kanilang pagtutol sa plano ng gobyerno na magtatayo ng bagong kampo ng militar sa siyudad.

Ito ay sa kabila ng kanilang malaking pagsuporta sa mga ginagawa ng gobyerno upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas at iba pang krimen.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Sultan Abdul Hamidula Atar, tagapagsalita ng Ranao Multi-Stakeholders Movement, na ang nasabing plano ay isang insult sa kanilang karapatan na umangkin ng mga iniwan ng kanilang mga ninuno.


Nanawagan din ang nasabing grupo sa probinsiyal na pamahalaan ng Lanao del Sur at ng lokal na pamahalaan ng Marawi na pumasa ng isang resolusyon na manawagan kay Presidente Duterte upang i-rekonsidera ang naturang hakbang.

Mas maganda anila na i-modernize ang kasalukuyang kampo ng 103rd infantry brigade bilang sagot sa pagsumpo ng terorismo sa lugar.

Noong buwan ng Enero isinagawa ang ground breaking ceremony para sa pagsisimula ng pagtrabaho nito na dinaluhan mismo ng Presidente.

Facebook Comments