TINUTULAN | Kahilingan ng ilang grupo na maging intervenor sa quo warranto petition laban kay Sereno, kinontra ng OSG

Manila, Philippines – Tinututulan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang kahilingan ng Makabayan bloc, Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ng grupo ni Dating PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Mel Alonzo na maging intervenor sa quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang consolidated opposition, hiniling ni Solicitor General Jose Calida na huwag pagbigyan ng Korte Suprema ang hirit na intervention ng tatlong partido.

Ayon kay Calida, Wala kasing legal interest ang tatlong partido sa kaso at layon lamang ng kanilang mosyon na i-antala ang pag-usad ng quo warranto petition.


Ayon pa sa OSG, hindi rin napagkaitan ang Makabayan bloc ng kanilang prerogative bilang mga mambabatas sa hiwalay na impeachment proceedings sa Kamara laban kay Sereno.

Sa panig naman ng IBP, dati na rin aniyang nagpasya sa kaparehong kaso ang Korte Suprema na ang IBP ay walang ligal na interes para maghain ng quo warranto petition.

Sa panig naman ng grupo ni Alonzo, iginiit ng OSG na hindi sapat na batayan ng legal standing ang pagiging makabayan ng nasabing partido para maging intervenor sa kaso.

Facebook Comments