TINUTULAN | Minorya, inaayawan din ang pagpasok ng ikatlong telco sa bansa

Manila, Philippine – Mariing tinututulan ni House Minority Leader Danilo Suarez ang pagkakapili ng gobyerno sa Mislatel Consortium bilang ikatlong telecommunications player na sasali sa kompetisyon sa bansa.

Ayon kay Suarez, posibleng makaapekto sa national security ang pagpasok ng China sa industriya ng telco lalo’t pati ang kuryente ay hawak na umano nito matapos silang magsagawa ng walkthrough sa national grid.

Ipinakukunsidera ni Suarez ang teknolohiya mula sa Korea o Japan dahil maging sa Estados Unidos ay hindi aniya pinapayagan ang pag-compete ng Chinese firms sa telco.


Paliwanag pa ni Suarez, may kakayahan ang China na i-sabotahe ang main frame ng dalawang kasalukuyang major players kung gugustuhin nito.

Samantala, idinagdag ni Ako Bicol Representative Alfredo Garbin na kailangang silipin ang prangkisang ginamit ng ikatlong telco at alamin kung gaano kalaki ang interes na inilipat sa Chinese consortium.

Facebook Comments