Manila, Philippines – Mariing tinututulan ng grupong bagong alyansang Makabayan ang umano ay pananakot na ginagawa ng pambansang pulisya sa Boracay.
Ayon sa Bayan tila protesta sa SONA ang pinaghahandaan ng mga otoridad.
Giit pa ng grupo overkill ang ginagawang seguridad sa isla na layon lamang maghasik ng takot upang pasunurin ang publiko sa lahat ng utos kaugnay ng pagsasara ng Boracay.
Tila martial law din daw ang nais ipatupad sa Boracay na maikukunsiderang hadlang para sa paghahanapbuhay lalo na sa mga maliliit na manggagawa.
Ngayong araw, isasara na sa mga turista ang isla hanggang sa susunod na anim na buwan para sa isasagawang rehabilitasyon.
Facebook Comments