TINUTUNTON NA | Higit 70 active private armed groups, tinutugis na

Tinutunton na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 77 na active private armed group sa buong bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr., 72 mula sa 77 private armed groups ay nakabase Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Aniya, alam na ng mga ito na pinaghahanap na sila ng pulisya.


Sabi ni Durana, patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng PNP ukol sa eksaktong bilang ng mga armed group at intel gathering operation para tuluyang masawata ang mga ito.

Facebook Comments