Manila, Philippines – Kasabay ng pagdami ng naitatalang pasyente na mayroong Leptospirosis sa bansa, pinagigting ngayon ng Department of Health ang ginagawa nilang monitoring at management ng mga kaso nito.
Base sa tala ng DOH, mula January 1 hanggang June 16, 2018 nasa kabuuang 1,040 na ang bilang ng mga pasyenteng mayroong Leptospirosis. 34% na mas mataas kung ikukumpara noong unang anim na buwan ng 2017.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naglaan ng mga gamot at iba pang medical supply ang DOH sa National Kidney and Transplant Institute at DOH-NCR na tinatayang nasa 299,104 pesos ang kabuuang halaga upang maasistehan ang mga pasyenteng mayroong Leptospirosis.
Nitong Sabado rin ay personal na binisita ng kalihim ang mga pasyente naka confine sa National Kidney and Transplant Institute, dahil sa Leptospirosis.