TINUTUTULAN | Desisyon sa pagsasauli ng Balangiga bells, posibleng malaman sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Posibleng malaman sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ang desisyon hinggil sa pagbabalik ng Estados Unidos sa Pilipinas ng Balangiga bells.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasunod ng mga ulat na tinututulan ng mga U.S. lawmakers ang pagsasauli sa mga kampana.

Pero umaasa si Cayetano, na mangyari ngayong taon ang pagbabalik sa Balangiga bells.


Base sa historical accounts, ang Balangiga bells ay tatlong kampana na kinuha ng U.S Army mula sa isang simbahan sa Balangiga, Eastern Samar bilang war trophies kasunod ng Balangiga massacre noong 1901 sa ilalim ng Filipino-American war.

Facebook Comments