Manila Philippines – Nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NUJP) sa mga commercial at residential consumers na iwasan ang sobrang paggamit ng mga appliances.
Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza – ito ay para makatipid sa kuryente at maiwasan ang pagkakaroon ng kakulangan sa power supply.
Ilan sa mga pagtitipid na pwedeng gawin ay: tanggalin ang plug ng appliances mula sa outlet kung hindi ginagamit; bawasan ang paggamit ng washing machine; huwag araw-arawin ang pamamalantsa ng damit at; buksan ang bintana para makatipid sa paggamit ng aircon o electric fan.
Sa buwan ng Abril, inaasahan ang mataas na demand sa kuryente dahil marami ang gagamit ng electric fan o aircon dahil sa mainit na panahon.
Tiniyak naman ng ngcp na sapat ang reserba ng kuryente sa mga lalawigan.
TIPID KURYENTE | Sobrang paggamit ng mga appliances, pinanawagang iwasan
Facebook Comments