Manila, Philippines – Nagpaalala ang Meralco sa kanilang mga electric consumers na magtipid ng kuryente ngayong Holiday season.
Sa abiso na inilabas ng Meralco:
Makabubuting i-unplug ang mga appliances at mga Christmas lights na hindi naman ginagamit;
I-set ang aircon sa 25 degrees celsius o mid setting;
Makatutulong rin ang paggamit ng power board na may switch, para madaling makontrol ang power supply sa mga appliances;
Pagpapanatiling well-maintained ng mga appliances para sa optimal performance;
At higit sa lahat, ang pagma-maximize sa natural daytime light.
Kasunod nga ng anunsyo ng Meralco na bababa ang singil ng kuryente ngayong Disyembre, malaking tulong anila kung magiging stable ang electricity supply ngayong buwan upang mapanatili ring stable ang generation charge sa Enero 2018.