TIPID PA MORE! | Sisiw – sweldo ng mga guro sa Uzbekistan

Manila, Philippines – Mga bagong pisang sisiw ang ipinapasuweldo ng pamahalaan ng Nukus City sa Uzbekistan dahil umano sa kawalan ng pera nila sa bangko doon.

Ayon sa radio reporter na si Ozodlik – Isang guro ang kaniyang nakapanayam at inilarawan ang kanilang pamahalaan bilang “kahiya-hiya”, dahil ipinangsweldo rin sa kanila ang patatas, carrots at kalabasa.

Dismayado rin ang mga guro dahil mukhang dinadaya pa sila ng gobyerno sa pagpapasuweldo sa kanila dahil naaantala ang kanilang suweldo at madalas umaabot pa ng dalawang buwan bago sila mabayaran.


Bunsod nito, tampulan ngayon ng tuksa sa social media ang pagpapasweldo ng sisiw sa mga guro.

May isang netizen ang nagbiro na,”what’s wrong with this? you have chicken soup for breakfast, a fried chicken for lunch and a chicken for dinner – lots of vitamins at least.”

Facebook Comments