Tipid tips sa kuryente, ipinaalala ng DOE

Naglabas ang Department of Energy (DOE) ng energy saving tips ngayong Pasko.

Sa abiso ng DOE lalo na sa mga wala sa bahay o aalis ng bahay ay tiyaking bunutin ang pagkakasaksak ng mga appliances at patayin din ang circuit breaker.

Sa mga magmamaneho naman siguraduhing tama ang hangin ng gulong ng sasakyan upang hindi malakas ang konsumo ng gasolina o diesel.


At upang mas lalong makatipid sa kuryente, payo ng DOE na patayin o isantabi ang mga cellphones at iba pang gadgets at makipagkwetuhan sa inyong pamilya at mahal sa buhay.

Bukod sa tipid sa kuryente, mas lalo pang mapapalapit ang loob ng bawat miyembro ng pamilya at magiging makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko.

Facebook Comments