Manila, Philippines – Ilang araw bago ang Pen and Pencil examination ng Civil Service Commission (CSC) para sa Professional at Subprofessional level, naglabas ngayon ng paalala ang CSC sa mga examiner para sa March 18. Sa advisory na inilabas ng CSC, binanggit dito na mahigpit na ipatutupad ang No ID, No Exam Policy. Kailangan ang valid ID, o yung ID na iprinisinta noong filling pa lamang ng application. Pinapayuhan rin ang mga examiners na bisitahin na muna ang mga schools na pagdadaausan ng exam bago ang mismong araw ng pagsusulit. Pinaalalahanan rin ang mga examiners na dapat ay alas sais pa lamang ng umaga ay dapat nasa paaralan na para sa verification process, dahil saktong alas 7:30 ay isasara na ang mga gate. At sa oras anila na hindi makapag exam ay awtomatikong forfeited na ang examinee’s slot. Ibig sabihin, kailangan ulit ng panibagong apliksyon para makapag exam
TIPS | CSC, may paalala sa mga kukuha ng exam ngayong Marso
Facebook Comments