Tips kung paano maiwasan ang Overweight at Obesity, tinalakay ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ng National Nutrition Council

Tumutok sa usapin ng problema sa Overweight at Obesity ang ika-siyam na episode ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ng National Nutrition Council.

Dito ay tinimbang ang mga host na sina Mare Yao at Ms. Jovie Raval ng NNC ang malaking kaugnayan sa kalusugan at wastong nutrisyon ng Overweight at Obesity kung saan ay nagiging global concern na.

Batay kasi sa Expanded National Nutrition survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology, noong 2021 ay nasa 40.2% na ang dami ng adults na overweight at obese, halos doble na kumpara sa 24% na naitala noong 2003.


Bunsod nito, nagbigay ng tips at payo sa pagpapanatili ng wastong timbang at sustainable weight loss efforts ang guest resource person na si Andre Flores, Technical Specialist for Maternal and Child Nutrition ng World Health Organization – Philippines.

Ayon kay Flores, ang obesity at overweight ay labis na pagkaipon ng taba na may masamang epekto sa kalusugan ng tao dahil posibleng tamaan ng sakit sa puso, cancer at iba pang sakit ang taong sobrang mataba.

Malaki rin aniya ang risk factor na maging obese at overweight ang mga taong mahilig kumain ng mataas sa taba, matatamis at maalat na pagkain ngunit walang physical activity.

Bagama’t namama ang pagiging overweight at obese, maaari naman aniya itong maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng wasto, balanse at moderasyon.

Maaari din aniya magdiet ngunit dapat ay balanse at mag-ehersisyo.

Facebook Comments