TIPS | Paano simulan ang negosyo sa maliit na puhunan

Marami sa atin na may pangarap na yumaman o di kaya may maginhawang pamumuhay. Sa hirap ng buhay ngayon lahat tayo may kagustuhang guminhawa ang buhay o yumaman.

May mga paraan upang guminhawa ang buhay, maari mo nang simulan ang iyong negosyo sa maliit lamang na puhunan.

1. Alamin kung gaano kalaki ang iyong puhunan sa negosyo upang magkaroon ng ideya sa iyong pwedeng maging ROI o Return of Investment.


2. Maghanap ng posibleng negosyo na swak ang iyong puhunan. Tulad ng mga home made na ready to eat foods, hindi kailangan ng malaking halaga dito. Pwede rin ang pagtatayo ng online shop. Patok ang mga negosyong ito dahil mabenta sa mga estudyante o sa mga nagtatrabahong wala ng oras lumabas.

3. Humanap ng maganda at strategic na lugar sapagka’t mas mainam kung malapit sa paaralan o mga opisina o kahit saang lugar na madaming tao. Sa online naman mahalagang responsive ka sa mga nagtatanong sa iyong online accounts.

4. Hangga’t maari paikotin ang puhunan o benta. Huwag gamitin ang kinita sa sa mga bagay na di naman nakakadagdag sa iyong puhunan.

5. Huwag hayaan na maubusan ka ng ibebenta para maging consistent sa mga suki mo.
6. Tandaan mo na kasama sa layunin ng pagbukas mo ng negosyo ay ang palaguin ang iyong mga mamimili. Siguraduhin may maayos na lalagyan o malinis ang kapaligiran sa iyong pwesto upang maiwasan ang reklamo ng mga mamimili. Sa online naman ay siguruhing maayos at maipadala ang tamang order sa customer.

7. Upang lumago ang iyong negosyo, unti-unti mong damihan ang iyong paninda. Pumili ka ng ibang mga pwede mo pang itinda ng sa gayon ay lumaki ang iyong negosyo.
Higit sa lahat maging tapat at wag maging gahaman sa iyong negosyo. Mas pahahalagahan ka ng iyong mga suki kung ikaw ay tapat sa kanila at hindi pang-sariling interest lamang ang iyong habol.

Contributed by Janzel Omagtang & Jessica Paragas
Photo-credited to Google Images

Facebook Comments