Tips para Iwas Pimples

Kasama ng pagdadalaga o pagbibinata ang pag develop ng mga balat natin sa mukha. Nagiging oily at lumalaki ang mga pores kaya nade-develop din ang mga pimples o tigyawat. Kung medyo dumadami na ang mga ito, dapat gawin ang mga simpleng paraan para maiwasan ang pagdami ng tigyawat.

1. Bago matulog wag kakalimutan ang tatlong simpleng steps – cleanse, tone, and moisturize. – Kapag natutulog ka, naaayos ang mga cells mo sa katawan kaya importante na malinis ang mga balat sa mukha para maiwasan natin ang tigyawat. Maghilamos gamit ang mild soap, atleast 30 seconds na i-massage sa mukha. Susunod, gumamit ng toner base sa iyong pangangailangan. Wag gagamit ng matapang na toner kung sensitibo ang iyong balat. Panghuli, gumamit ng moisturizer para hindi mag-dry ang iyong balat. Kung oily ang iyong skin type, gumamit ng moisturizer na hindi oil-based dahil mas mae-enhance ang pagiging pawisin ng iyong mukha. Ang mga oil-based na moisturizer ay mainam sa mga dry skin type.

2. Labahan ang mga tuwalya na ginagamit. – Ito ang kadalasan dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga tigyawat. Naiipon sa mga tuwalyang ginagamit natin ang mga bacteria na dahilan ng pagdami ng mga ito sa ating mukha. Siguraduhin lang na papalitan mo ang iyong mga tuwalya kada isang lingo at patuyuin mong mabuti kapag ginagamit mo ang mga ito.


3. Kumain ng masustansiyang pagkain. – Ang mga tigyawat ay maiiwasan sa pagsunod sa pagkain ng masustansyang pagkain. Hanggat maaari ay iwasan ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, sugar, at dairy products. Kumain ng mga prutas, gulay, at uminom din ng higit sa 8 basong tubig kada araw.

4. Ice cubes – Isa sa mga mainam na gawin kapag may tigyawat ay pahiran ng ice cubes ang parte ng mukha na mayroong tigyawat, Isinasara niyo ang mga pores at niniiwasan ang paglabas ng oil sa mukha. Binabawasan din nito ang pamumula at paglaki ng mga tigyawat.

5. Iwasang hawakan ang mukha – Ang iyong kamay ang isa sa pinakamaduming parte ng iyong katawan dahil marami itong hinahawakan sa isang buong araw. Kapag hinawak mo ito sa iyong mukha ay magkakaroon ng pagkalat ng barteria na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat. Sanayin ang sarili na palaging maghugas ng kamay habang gumagamit ng anti-bacterial soap.

Ito ang mga simpleng paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tigyawat. Hindi naman kinakailangan na bumili ng mga mamahaling produkto o gumastos ng malaki para makapagpatreatment sa mukha. Panatilihin lamang na malinis ang iyong katawan sa lahat ng oras.

Photo credited to Google Images

Facebook Comments