Tips Para Magbawas ng Timbang dahil sa mga Kinain nung Holidays

IMAGE FROM: THE HEALTH SITE.COM

2019 na at halos lahat ay napasarap ng kain noong nagdaang Noche Buena at Media Noche. Panigurado ay marami ang nadagdagan ang timbang dahil sa sarap ng kain at tulog noong nakaraang taon.

Gusto mo na bang magpaka-fit at magbawas ng timbang ngayong 2019? Narito ang ilang paraan para ikaw ay makaiwas at makapag balanse ng ating timbang:

  1. Ugaliing maging aware sa iyong timbang

Mahalaga sa atin na laging nalalaman ang ating timbang para malaman kung ito ba ay karapat-dapat dagdagan o bawasan.

2. Iwasan kumaing ng mga pagkaing makakasira sa iyong pagdadiet.

Ang junkfoods at mamantikang mga pagkain ay makakasira ng ating balanced diet. Hindi lamang ito makakadagdag ng timbang kundi maaaring makasama pa ito sa ating kalusugan na maging sanhi  ng ilang sakit. 

3. Kumain ng balanse at masusustansyang pagkain

4. |Magkaroon ng oras sa iyong pageehersisyo

Ang pag-eehersisyo ang pinakamagandang pamamaraan sa iilan proseso ng iyong pagbabawas ng timbang dahil mas mapapadali nitong mailabas ang toxins ng ating katawan at cholesterol. Ang pageehersisyo ay magandang pamamaraan din upang makatulong sa ating kalusugan.

5. Pakikipaglahok sa anumang gawain

Isa din ito sa makakatulong na maaaring makapagpabawas ng iyong timbang. Halimbawa na lamang nito ay ang paglinis ng iyong tahanan, makipaghalubilo sa anumang aktibidad na maaaring makapagpagalaw ng iyong katawan.


Article written by Maria Fatima Raci

Facebook Comments