Tips para sa Mahabang Buhay

Sabi nila You Only Live Once. Kaya siguro napakaraming naghahanap ng elixir of life, fountain of youth o kung ano mang bagay na magbibigay ng freshness at long life. Worry no more mga idol! Narito ang tips para sa mas mahabang buhay.

Balanced Diet

Alam niyo bang ayon sa mga pag-aaral, isa sa mga importanteng factors para sa mahabang buhay ay ang mga kinakain natin. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Sabi nga nila “ang gulay ay pampahaba ng buhay. May katunayan ito dahil nakakatulong sa pangangatawan at healthy digestive system ang mga ito. Ang balanced diet ay nakakapagpababa ng risks ng heart disease, diabetes at iba pa


Exercise

Hindi lang napapaganda ng exercise ang katawan natin. Napapanatili nitong masigla ang ating pangangatawan at pinapalakas ang ating immune system. Kaya naman tara na’t mag-gym, magzumba at magpapawis mga idol!

Positive Attitude

Ang positibong pananaw sa buhay ay nakatutulong para humaba ang buhay. Imbis na intindihin ang mabalisa sa mga maaring masamang mangyari sa ating pagtanda, mas mabuti na paghandaan natin ang ating pagtanda at tanggapin natin na darating ang araw na hindi na tayo magiging kasing lakas at sigla gaya ng dati.

Iwasan ang mga bisyo

Iwasan ang labis-labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang paninigarilyo ay nagdadagdag ng panganib sa pagkakaroon ng heart diseases, osteoporosis, emphysema at iba pang komplikasyon sa ating baga. Pagdating naman sa alak, dapat drink moderately lang mga idol dahil masama ito sa ugat, utak at atay.

Pray

Ang pinakamabisa at pinakaimportanteng tip para sa long life. Manalangin tayo sa May Likha dahil siya naman talaga ang magdedecide kung time na natin. Basta ang importante, pahalagahan natin ang bawat minuto na ipinahiram Niya sa atin.

 

Article written by Albert Soliot

Facebook Comments