Tips para sa mga TORPE

Gustung-gusto mo siya pero di mo alam ang gagawin dahil nahihiya ka? Ito ang ilang tips para sa’yo:
1. *MAGPRAKTIS SA HARAP NG KAIBIGAN*. Matatanggal ang iyong pagiging mahiyain sa tuwing ikaw ay magpapraktis sa harap ng iyong mapagkakatiwalaang kaibigan. Malaya niyang masasabi kung ano ang mali sa mga sasabihin mo sa taong nagugustuhan mo. Makapagbibigay rin ang iyong kaibigan ng mga payo kung paano mo mapapa-oo ang babaeng tinatangi.
2. *MAGING PRESENTABLE.* ‘First impressions last.’ Sabi nga nila. Kaya paghandaan sa tuwing kayo ay magkikita ng babaeng nagugustuhan. Magsuot ng maayos at bagay na damit sa lugar at okasyon. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, magsuot ng damit na komportable kang suotin.
3. *MAGING MARESPETO SA BABAE*. Malaki ang nagagawa ng pagiging marespeto. Makikita ng babaeng iyong nagugustuhan ang kabutihan mo bilang isang lalaki. Dahil sa may respeto ka sa kanya, hindi imposibleng ibigay niya sa’yo ang kanyang tiwala.
4. *SENSE OF HUMOR*. Anuman ang iyong itsura o estado sa buhay, laging nabibilib ang isang babae kapag palabiro ang lalaking nanliligaw sa kanya. Gusto kasi ng mga babae na napapatawa sila at hindi boring kasama. Dapat mong ma-develop ang iyong sense of humor upang mapa-oo siya.
5. *MAGPAKATOTOO.* Ang pinakamahalagang tip sa lahat ay maging totoo lamang sa sarili at sa babaeng nagugustuhan. Sabihin mo kung ano ang nais mong sabihin sa kanya. Gawin mo ang mga bagay na alam mong makapagpapasaya sa kanya. At kapag nakita ng babae na tapat at totoo ka sa iyong nararamdaman, paniguradong papayag na itong maging iyong kasintahan.

Facebook Comments