Ano nga ba ang mga tips sa pagsisimula ng sariling t-shirt printing business? Kailangan ba ng malaking budget para rito? Anong mga machines o gamit ang dapat na mayroon ka para sa iyong panimula?
Iyan ang ibinahagi ng Yep Nadela, may-ari ng Artbroz Enterprises na patok na printing business sa bansa.
Sa segment na ‘Business as Usual’ sa Usapang Trabaho ng RMN DXZL 558 Radyo Trabaho, sinabi ni Nadela na nagsimula ang kaniyang negosyo sa pagpi-print lamang ng ilang damit noong siya ay nasa sekondarya.
Pero dahil nais niyang mai-express ang nilalaman ng kaniyang damdamin sa pamamagitan ng negosyo, naging katulong niya ang teknolohiya para lumago ang maging kilala ang Artbroz.
Sa ngayon, patuloy ang paglago ng Artbroz sa Pilipinas kung saan dahilan ang kakaibang likha at tatak ng mga produkto nito.