TIPS | Susi sa malusog na pakikipagrelasyon!

Sa susunod na lingo ay araw na ng mga puso at siguradong nag-iisip ka na ng mga magagandang gawin para sa pagdiriwang ninyo bilang magsing-irog. Ilan sa mga tradisyon ng ginagawa tuwing sasapit ang espesyal na araw na ito, nariyan ang pagbibigay ng bulaklak, valentine’s cards, o intimate dinner. Higit sa pagiging romantic natin tuwing buwan ng puso ay kailangan nating pahalagahan ang ating kalusugan.

Narito ang ilang tips na pwedeng makatulong sayo at sayong partner para mapanatili ang malusog na pagdiriwang ng Valentine’s Day:

1. Maging malikhain – mag-isip ng unique na maaari mong iregalo sayong partner tulad ng sariling gawang Valentine Card o kaya naman kakaibang boquet chocolates. Para maging positibo ang pananaw ng bawat isa sa sayang dulot ng maayos na takbo ng relasyon.


2. Home Cooking – the best parin ang lutong bahay kaya naman imbes na magpa-reserve sa mamahaling restaurant at makipagsiksikan sa pampublikong lugar bakit hindi paglutuan ang iyong partner ng mga paborito niyang pagkain. Di kaya naman ay magpa-deliver at sa bahay na i-set up ang romantic dinner nyo at dapat healthy foods ang nakahain!

3. Healthy Together – isa sa mga patok na ginagawa ngayon ay ang pagsu-zumba. Bakit hindi yayain ang iyong partner dito at sabay nyong gawin ang pagsu-zumba. Maaari ding mag-gym ng sabay sa araw ng mga puso!

4. Pasyal with personal communication – isa sa susi ng malusog at magandang pagsasama ay ang pagkakaroon ng oras na makapag-usap ng masinsinan habang magkasama. Magkasundo kayo ng iyong partner na isantabi ang anumang pwedeng maging sagabal sa inyong pag-uusap tulad ng gadgets at pag-usapan ninyo ng personal ang mga bagay na direktang nakakaapekto ng inyong pagsasama. Para healthy relationship di ba!

5. Stay safe – maging loyal sa iyong partner at iwasan ang pagkakaroon ng multiple partners. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases. Makipagtalik lamang sa iyong partner at siya lang wala ng iba para sure na safe ka!

6. God-centered relationship – gawing sentro ng inyong relasyon ang Diyos. Nakakadagdag ng positibong pananaw ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa Diyos na maiigi sa ating kaisipan at katawan. Ipanalangin ang bawat isa o di kaya naman ay sabay kayong mag-simba.

Gawin ang mga ito at siguradong tatag pa ang inyong pagsasama. Tandaan na ang malusog na relasyon ay nakasalalay sa inyong dalawa na Diyos ang nagbuklod.

A healthy Valentine’s Day idol!

Photo-credited to Google Images

Facebook Comments