Tirador ng underwear, huli sa paglabag sa lockdown para makapagnakaw

260

Umamin ang isang serial underwear thief sa Singapore sa paglabag sa coronavirus lockdown upang makapagnakaw ng panloob ng kababaihan, dininig sa korte nitong Lunes, Mayo 18.

Nasa 30 beses nang nang-umit ng underwear si Lee Chee Kin mula noong 2018 at may 100 na bra ang natagpuan sa kanyang bahay sa isinagawang raid ng pulisya nakaraang taon, base sa court documents, sa ulat ng CNA.


Nakapagpiyansa noon ang 39-anyos suspek, ngunit muling nasakote nakaraang buwan matapos mahuling umakyat sa bakuran ng iba para makapagnakaw.

Aminado si Lee na labag sa lockdown rules ang paglabas nang walang makatwirang dahilan, hindi pagsusuot ng face mask, at sa salang pagnanakaw at trespassing.

Sinabi ng piskal na pinipili ng suspek ang mga bra at panty base sa itsura nito.

“The accused used the stolen bras and panties for his own sexual gratification,” saad sa dokumento.

Nahaharap sa pagkakakulong at mabigat na multa si Lee.




Facebook Comments