Tirso Cruz, happy and sad sa pagdiriwang ng Pasko

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Tirso Cruz sa pagdiriwang ng Pasko.

Ito kasi ang unang Pasko ng kanyang pamilya na wala ang anak na si TJ Cruz, makaraang pumanaw dahil sa sakit na cancer noong nakaraang buwan.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng beteranong aktor ang larawan ng kanyang anak kalakip ang mensahe para rito.


Aminado si Tirso na hindi nila maiwasang makaramdam ng pangugulila kay TJ pero masaya na rin daw siya para sa kanyang anak na nag-celebrate din ng unang Pasko nito sa langit kasama ang panginoon.

Nag-share din ng kanilang family picture noong 2010 at 2017 ang asawa ni Tirso na si Lynn Ynchausti.

Facebook Comments