Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed forces of the Philippines (AFP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi magiging magulo ang gaganaping plebisito sa Mindanao may kaugnayan sa Bangsamoro Basic Law (BLL).
Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr, may mga na-monitor silang mga lugar na maaring maging magulo pero manageable ito ng militar.
Hindi rin naman daw ito regular na eleksyon na mayroon opponent o may nangyayaring labanan kaya malabo aniya magkainitan.
Sinabi naman MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim na may mahigpit na silang pakikipag-ugnayan sa Joint Ceasefire Committee para sa gaganaling plebesito.
Sa ngayon aniya ay wala areas na hotspots at umaasa syang hanggang sa mismong araw na ito ng plebisto.
Naniniwala rin si Murad na magiging payapa at walang magaganap na gulo sa gaganaping plebisito.
Ang dalawa ay nagkausap kanina sa Camp Aguinaldo matapos ang kauna-unahang pagkakataong pagbisita sa AFP general headquarters ni MILF Chairman Ibrahim.