TITIYAKIN | Cha-cha, prayoridad pa rin sa ilalim ng pamumuno ni Speaker CGMA

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Arroyo na mananatiling prayoridad pa rin sa Kamara ang panukalang charter change o cha-cha.

Ayon kay Arroyo, nasa Senado na lamang ang pinal na pasya dahil naipasa na nila noon ang resolution para mag convene ang Kamara at Senado bilang isang constituent assembly.

Sa ilalim ng liderato ni dating Speaker Pantaleon Alvarez, isa ang cha-cha sa masusing isinusulong ng Kamara.


Umabot pa sa punto na nagbanta si Alvarez noon na itutuloy nila ang pagpapalit ng porma ng gobyerno kahit na walang pagsang ayon ang Senado.

Facebook Comments