TITIYAKIN | China, tiniyak na hindi mababaon sa utang ang Pilipinas

Tiniyak ng China na hindi mababaon sa utang ang Pilipinas.

Ayon kay Charge d’ Affaires Tan Quinsheng ng Embassy of the People’s Republic of China to the Philippines – walang masamang intensyon ang kanilang bansa.

Pareho aniyang makikinabang ang dalawang bansa sa mga proyektong popondohan ng kanilang bansa.


Tiwala naman si Department of Finance (DOF) Undersecretary Mark Dennis Joven – na lalago ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas.

Samantala, mapapadali na rin ang transaksyon at investments sa pagitan ng China at Pilipinas kapag nagamit na ang kanilang currency na Chinese yuan renminbi sa bansa.

Facebook Comments