TITIYAKIN | Comm. Guerrero, tiniyak na walang mangyayaring militarisasyon sa ahensya

Manila, Philippines – Tiniyak ni bagong customs commissioner si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at dating MARINA Administrator Rey Leonardo Guerrero na walang mangyayaring militarisasyon sa BOC.

Ito ay kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na military takeover sa ahensya para masugpo ang korapsyon.

Giit ni Guerrero, ang hakbang ng Pangulo ay hindi naman maituturing na militarisasyon dahil may kontrol pa rin naman ang mga kawani ng BOC sa mga operasyon at aktibidad ng ahensya.


Aniya, pag-aaralan pa ang magiging deployment ng mga sundalo na pipiliin base sa kanilang integridad at kalayahan.

Tikom naman ang bibig ni Guerrero kung paano ang magiging diskarte niya sa pamamalakad sa BOC.

Tumanggi rin siyang sabihin ang kanyang plano kung paanong maiiwasang malusutan ng shipment ng iligal na droga.

Pero tiniyak ni Guerrero na magiging on ‘top of the situation’ siya para hindi mapaikutan ng mga kawatan sa BOC.

Facebook Comments