Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na magkakaroon ng dagdag na pensyon sa ilalim ng 2019 national budget para sa mga indigent senior citizens.
Inaasahang aabot sa 3 milyong mga mahihirap na lolo at lola na may edad 60 anyos pataas ang mabibiyayaan ng P500 na buwanang pensyon.
Itataas din sa P19.2 Billion pesos ang budget sa indigent senior citizens pension mula sa kasalukuyang P17.1 Billion pesos.
Para ma-qualify sa SPP, ang recipient ay dapat walang ibang pensyon sa alinmang ahensya ng gobyerno at walang mapagkukunan ng kita o source of financial income para tustusan ang mga pangunahing pangangailangan.
Nais ng kongresista na matiyak na makakatanggap ng tulong ang mga mahihirap na senior citizens lalo na ang mga nasa probinsya.
Personal na titiyakin ng Chairman ng Committee on Appropriations na mailalagay sa pambansang pondo ang dagdag na pensyon para sa mga indigent senior citizens.