TITIYAKIN | DAR, dudulong sa mga eksperto para sa pagpapatupad ng land reform sa Boracay

Manila, Philippines – Dudulog ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga eksperto para tiyaking ligtas ang paglalagay ng topsoil sa higit 800 ektarya ng agricultural land sa Boracay.

Ito ay bahagi ng isinusulong na land reform program sa isla.

Ayon kay DAR Undersecretary for Policy, Planning and Research David Erro, pakikusapan nila ang mga kaukulang ahensya para magsagawa ng pag-aaral na susuporta sa planong maglagak ng lupa kasunod ng pagbuwag sa mga commercial at residential structure sa isla.


Una nang inirekomenda ng mga agricultural engineers ng DAR na pagtambak ng topsoil ng isa hanggang tatlong talampakang lalim para lumago ang mga pananim.

Nabatid na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapamahagi sa mga magsasaka ang 1,032 hectare lands ng Boracay bilang isang agrarian reform area.

Facebook Comments