TITIYAKIN | DENR, bumuo na ng komite para sa assessment ng mga pinsalang iniwan ng nangyaring sunog sa Land Management Bureau

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ligtas ang lahat ng records ng Land Management Bureau kasunod ng sunog na bumalot sa LMB building sa Binondo, Maynila.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, kahit nasunog ang mga land records na nasa gusali, nagsisilbi lamang itong backup ng mga dokumento mula sa mga regional offices.

Ang mga regional office aniya ay kino-computerize na ang lahat ng mga records sa mga respective areas.


Dagdag pa ni Cimatu, bumuo na siya ng komite na pangungunahan ni Undersecretary Ernesto Adobo Jr. para i-assess ang pinsala.

Payo ng DENR sa publiko na mayroong land concerns at inquiries ay tumungo sa kanilang help desk sa kanilang central office sa Quezon City.

Facebook Comments