Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na paiigtingin pa nila ang kanilang mga programa para matugunan ang pangangailangan ng mga out-of-school youth.
Ito ay kahit lumabalas sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral sa 3.6 milyon ng 2017 kumpara sa 3.9 noong 2016.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, kabilang sa kanilang paiigtingin ang Alternative Learning System (ALS).
Aniya, imbes pumasok sa mga paaralan ay pwedeng turuan ang mga out of school youth sa mga alternative learning center ng kanilang komunidad.
Sabi pa ni Briones, na nakikipagtulungan na sila sa mga pribadong sektor para bigyan ng pagsasanay sa iba’t-ibang skill ang mga out-of-school youth para makahanap na sila ng magandang trabaho sa mga kumpaniya.