Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Finance (DOF) ang pangambang mauuwi sa debt trap ang Pilipinas dahil sa pagtapik nito sa China at Japan na pondohan ang ilang proyektong imprastraktura.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, hindi mababaon sa utang ang bansa.
Aniya, ang in-avail ng Pilipinas ay mga soft loan lamang na may mababang interest rate at may mahabang term arrangements.
Dagdag pa ng kalihim – ang tinatayang magiging project debt ng Pilipinas sa China 0.65% lamang mula sa kabuoang 0.11% total debt.
Ang project debt sa Japan ay tataas mula sa kasalukuyang 3.17% ay magiging 8.90%.
Binigyang diin pa ng DOF na ang lahat ng proyekto ay aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA) board.
Facebook Comments