Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabibigyan ng tulong ang mga pamilya ng tatlong OFW na dinukot sa Libya.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagsasagawa na ng paghahatid ng financial assistance ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga pamilya ng tatlong OFW.
Kabilang sa ayudang ibibigay ay livelihood at scholarship sa lahat ng kanilang anak.
Nakikipag-coordinate na aniya ang OWWA sa mga recruitment agencies na nagpadala sa tatlong OFWs.
Siniguro rin ng kalihim sa mga pamilya ng tatlong OFW na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay.
Matatandaang noong nakaraaang buwan ay dinukot ang tatlong OFW kasama ang isang South Korean national sa isang water project site.