Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na pagtutuunan na nila ng pansin ang pagpasa sa Resolution of Both Houses Number 15 o draft ng Federal Constitution simula sa susunod na linggo.
Sinabi ni Arroyo na sa mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte noong State of the Nation Address (SONA) ay tanging ang Cha-Cha na lang ang hindi pa naipapasa.
Aminado ang dating Pangulo na marami pang isyung dapat himayin at resolbahin sa RBH15 ngunit anuman ang kanilang matatapos ay umaasa siyang ipagpapatuloy ito ng susunod na Kongreso.
Sa kasalukuyan ay nakasalang pa sa plenary interpellation ang panukalang pagpapalit ng Saligang Batas kung saan kabilang na sa mga natalakay ay ang college degree requirement para sa mga kakandidatong senador at kongresista.