TITIYAKIN | DTI, sinigurong hindi na gagalaw pa ang presyo ng mga school supplies

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade & Industry (DTI) na hindi na tataas pa ang presyo ng mga school supplies.

Ito ay sa kabila nang papalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Ayon kay DTI Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo, wala silang nakikitang rason para itaas pa ang presyo ng mga school supplies.


Tanging ang papel ang nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo bunsod din ng pagtaas ng presyo ng raw materials na ating iniaangkat.

Kasunod nito ipinaalala ng DTI na bukas ang kanilang Diskwento Caravan kung saan makakakuha ng 10-50% discount sa mga school supplies.

Ang Diskwento Caravan ay matatagpuan sa tanggapan ng DTI sa Gil Puyat Avenue Makati city hanggang ngayong araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 mamayang hapon.

Pagtitiyak pa ng DTI magkakaroon din ng Diskwento Caravan sa ibat-ibang panig ng bansa kaagapay ang mga LGU’s bago sumapit ang pagbubukas ng klase.

Facebook Comments